
How to Make Puto Balanghoy or Puto Cassava

Maganda buhay mga palangga! Ngayon naisipan kong magluto ng Puto Balanghoy. Sino dito ang kinalakihan na ang mga mama at lola natin ay nagluluto ng Puto balanghoy? Namimiss mo kumain ulit? Tara at ibahagi ko sa inyo kung paano magluto ng Puto Balanghoy/ Puto Cassava just keep on reading at mag-iiwan ako sa baba ng full video enjoy!
Una pumunta ako sa palengke para bumili ng mga kakailanganin para sa aking pagluluto bumili ako ng kamoting kahoy/Cassava 3 kilos, brown sugar 1 kilo, Vanilla extract, condense milk at cheese.
Ingredients:
3 kilos of Kamoteng kahoy/Cassava
1 kilo brown sugar
2 cans of condense milk 2 cans of coconut milk 1/4 vanilla extract
1 Cheese

Pagkauwi ko sa bahay hinugasan ko muna ang cassava pagkatapos ko hugasan binalatan ko at kinudkod ko ang cassava inumpisahan ko para matapos ang pag kudkod. Pagkatapos kumuha ako ng puting tela ng harina, nilabahan ko muna bago ko ito ginamit at nilagay ko ang cassava sa loob ng telang puti. Pinigaan ko ng pinigaan at dapat ang pagkakapiga kinakailangang walang matirang katas ng cassava, Dahil delikado ang katas ng kamoteng kahoy/Cassava. Ito ay nakakalason kaya kailangan ayusin ang pagkakaluto nito, Pagkatapos ng pagpiga maglagay ka ng bowl na malaki kailangan kasya sa ilalagay mong mga sangkap. Una ilagay mo ang kamoteng kahoy/Cassava sa napili mong lalagyan, tapos brown sugar, condensr milk, vanilla extract at chesse. Haluin mo ng haluin pagkatapos ilagay mo na yong niyog at buko, pagkatapos ilagay mo na sa lalagyan ng mga puto kase yun lang ang available dito pero kung meron kang bagol/coconut shell. Mas okay na ayon ang gamitin mo kase sa amin sa negros bagol/coconut shell ng buko pwede rin tapos ilagay mo sa streamer din isa lang muna sa stove, So isalang mo with in 30 minutes kailangan lutuin sya ng maayos ang puto kamotengkahoy para mas masarap.

Ito ang specialty ng mga sinaunang panahon pa ng ating mga kanununuan sila ang magagaling magluto masarap talaga lalo sa mga probinsya at doon ako natuto sa aking lola magaling siyang magluto nito kaya sinubukan ko na ako talaga magluto, ang sarap pag ikaw talaga ang nagawa kasi ranas mo kung papano gawin, mahirap siya gawin pero masarap ang puto balanghoy worth it naman.

So ngayon pwede mo ng tignan after 3 minutes at kailangan mong icheck ang tubig sa ilalim ng streamer, kung kulang ang tubig dagdagan mo sa ilalim ng steamer kung hindi naman kulang ang tubig wag mo ng dagdagan.
So ngayon naluto na ang ating Puto Balanghoy/Puto Cassava, Tikman na natin ito na mga palanga kainan na tayo! Maraming salamat sa pagsubaybay.

WATCH THE FULL VIDEO HERE!
DON'T FORGET TO PRESS THE LIKE BUTTON AT MY FACEBOOK PAGE AND SUBSCRIBE TO MY YOUTUBE CHANNEL FOR THE LATEST VIDEOS AND CONTENT!

How to make Tuna Pie (Ala jollibee)

Ingredients:
Slice bread
Bread crumbs
5 pcs. of egg
Cheese
3 cans of Century tuna Cooking Oil Mayonnaise
Maganda buhay mga palangga! Ngayon ay gagawa tayo ng Tuna Pie (Ala Jollibee). Sino dito ang mahilig sa tuna pie ng jollibee? Hindi mo na kailangang umalis para bumili pa sa jollibe ng kanilang Tuna pie dahil pwede mo na itong gawin sa inyong mga sariling tahanan. Para malaman kung paano just keep on reading at mag-iiwan ako sa baba ng full video enjoy!

Una pumunta ako ng palengke para bumili ng aking kakailaganin sa pagawa ng Tuna pie. Bumili ako ng slice bread, chesse, mayonnaise, bread crumbs, cooking oil at Century tuna. Kailangan maraming oil para masarap at crispy ang pagkaluto.

Pag uwi ko sa bahay ginawa ko na agad binuksan ko ang century tuna tapos, tinangalan ko siya ng sabaw kase hindi natin pwedeng isama ang sabaw ng tuna. Nilagay ko sa isang bowl na tama lang na mailagay ang mga sangkap nilagay ko sa bowl ang tuna at mayonnaise hinalo ko, tapos lahat ng silce bread inisa-isa ko nilapad ko para manipis, tapos ko na nilapad ang slice bread. Inumpisahan ko na kumuha ng isang slice bread nilagyan ko ng hinalo na tuna at mayonnaise at nilagyan ko rin ng chesse. Pagkatapos pinisa ko sa gilid ng slice bread ng tinidor para hindi matapon ang laman kapag niluto mo na, at para maganda ang kalalabasan nya pagnaluto. So natapos ko na lahat lagyan, Sinawsaw ko na sa lalagyanan ng itlog, then sa lalagyanan ng bread crumbs.

Tapos hinugasan ko ang kawali para prepare na para sa pag prito ng Tuna pie at pinainit ko na ang kawali, tapos uminit na ang kawali nilagay ko na ang cooking oil sa kawali tapos pinainit ko talaga para ang pagkaluto tama sa init ng oil. So ngayon nilagay ko isa isa ang Tuna pie sa kawali ngayo ipiprito ko na kailangan ang apoy hindi masyadong malakas, mahina lang para hindi siya masunog ang pagkakaluto ng Tuna pie.

Ngayon habang hinihintay natin gumawa ako ng sweet sauce para sa ating Tuna pie. Binaliktad ko na kailangan golden brown siya para hindi lasang sunog at maganda tingnan itong Tuna pie (ala jollibee) natin. Pwede mo itong maluto sa mga handaan katulad ng birthday, pang snacks sa bisita, at specially sa pamilya habang nanood ng t.v snacks time diba. Masarap talaga worth it lalo na kapag nagustuhan ng iyong mga pamilya. Ngayong luto na ang ating Tuna Pie (Ala Jollibee) Maraming salamat sa pag subaybay mga palanggan hope you like it.
TO WATCH THE FULL VIDEO OF THIS RECIPE
CLICK HERE!
How to Make Dinuguan or Pork Blood Stew

Ingredients:
1 kilo Pork belly
Pork blood
Green Chili
Red Chili
Lemon grass
Ginger
Onion
Garlic
Salt
Cornstarch
Vinegar
Onion leaves
Bell pepper
Magandang buhay mga palangga! Ngayon ang lulutuin natin ay isa sa pinaka sikat at patok na patok lalo na kapag may kapartner na puto, Alam niyo kung ano? Edi Dinuguan/Pork blood stew. Tara mga palangga samahan niyo akong magluto at para malaman kung paano just keep on reading at mag-iiwan ako sa baba ng full video enjoy!
Una pumunta ako sa palengke para mamili ng aking lulutuin una bumili ako ng pork belly, pina chop ko ng maliliit tapos dugo ng baboy, sibuyas, bawang, union, corn starch, toyo, vinegar, salt, ginger at lemon grass. Yan ang mga kakailanganin natin sa pagluto ng ating Dinuguan.

Nakauwi na ako sa bahay hinugasan ko lahat ng binili ng ko pagkatapos, hinugasan ko din ang kaldiro para pakuluan muna ang pork belly bago igisa at para hindi malansa. Pinkuluan ko lang kasi iaadobo pa natin ito bago gawing dinuguan, Tapos i cha chop ko muna ang sibuyas , bawang ,bill paper at sili na green at ibukod ko muna ang sili dahil pag malapit na maluto saka natin ilagay ang sili na green at i chop ko din ang ginger at pigain ko yong lemon grass para bumango pa, lalo kapag ihalo ma itong lemon grass nawawala yung lansa sa dugo ng baboy. Kailangan lutuin para hindi mag buobuo ang dugo nito at ngayon i gigisa na natin ang mga sangkap una sibuyas, isunod ang bawang, at pag nag tatransfarent na pwede ng ilagay ang pork belly haluin mo at lagyan na lang ng tuyo, suka kailangan madami ang suka kasi ang nag papasarap pag maasim ang dinuguan.

Lutuin muna ang pork belly pag ito ay luto na ihalo mo na ang dugo tapos halo mo lng ng halo kasi baka ang dugo ay mag buobuo sa ilalim ng kawali kailangan lang halo ng halo hindi pwedeng iwanan mo, kailangan halo lng ng halo, kailangan talaga na maluto ang dugo kasi pag hindi luto ang dugo malansa. So ang dugo pala mga 30 minutes at kailangan mga 1 hr. kasama na lahat ng mga sangkap.

So ngayon tamang tama lutong luto na ang dugo at ilagay mo na ang sili na green at union ring i transfer sa isang lalagyan at puyde ng ihain at ang dinuguan. Kain na agad habang mainit pa, at pag may sobra pwede mong ilagay sa refrigerator para pwede mo pang initinkinaumagahan. Mga palangga Maraming Salamat sa inyong pag subaybay sana ay nagustuhan niyo.
TO WATCH THE FULL VIDEO OF THIS RECIPE
CLICK HERE!